Manila, Philippines – Subject sa administrative case ang pulis na aksidenteng pumutok ang baril habang palabas ng LRT line 2 kahapon.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, LRTA spox, nakipagugnayan na sila sa Regional Public Safety Battalion, na siyang nakakasakop kay PO1 Aaron Torres, dahil sila aniya ang may jurisdiction na magpataw ng parusa kay Torres.
Ayon kay Atty. Cabrera, kahit hindi sinasadya ng pulis na pumutok ang kaniyang baril, may nalabag pa rin daw ito dahil ang mga LRT pulis tuwing sumasakay ng train ay dapat walang naka chamber na bala sa baril.
Nakiusap na rin si Cabrera sa pamunuan ng Regional Public Safety Battalion na magsagawa muli ng seminar at ipaalala sa kanilng mga tauhan ang mga panuntunan sa pagtitiyak ng kaligtasan sa mga train.
Matatandaang pasado alas 7 kahapon ng umaga sa V. Mapa station, aksidenteng pumutok ang baril ni PO1 Aron Torres matapos sumabit ang gatilyo ng baril na nasakaniyang bewang sa bag ng nakasalubong niyang pasahero, kung saan nagtamo ng tama ng baril sa paa si PO1 Torres.