Pulis na asawa ng napaslang na dating Opisyal ng PNP Isabela,Boluntaryong sumuko

*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong sumuko sa kapulisan ang mismong asawa ni Ret. Lt. Col. Danny Alingog na si PSSg. Marilou Alingog na nakatalaga sa Women and Children Protection Desk (WCPD) Solana, Cagayan matapos itong ituro bilang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang asawa.

Matatandaang pinagbabaril noong Abril 2019 ang dating opisyal ng PNP sa Isabela sa isang sabungan sa  Barangay Tuguegarao, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMSg. Arthur Salvador, Imbestigador ng PNP Echague, sinabi nito na circumstantial evidence ang naging basehan ng kapulisan sa pagsasampa ng kaso na pinagtibay ng naging salaysay ng ina ni Retired Lt. Col. Alingog at mga kasambahay nito batay sa kwento ng ina ng biktima habang nakaburol ang kanyang anak ay nagtungo umano ang kanyang manugang at nabanggit nito na lahat ng kabit ng kanyang asawa ay kanyang papatayin kaya’t dito na nagsimula na maghinala ang kapamilya ni Alingog na may kinalaman ang kanyang maybahay sa pagpatay  sa kanyang anak.


Ayon pa kay PMSg. Salvador, ipinalabas ni kagalang-galang hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Br. 24 Echague, Isabela ang warrant of arrest ni PSSg. Alingog sa kasong Murder matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals ang asawa nito habang siya ay papalabas sa sabungan

Sa ngayon ay nananatili sa pangangalaga ng PNP Solana ang suspek bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments