Pulis na bumaril sa isang matandang babae sa Quezon City, sinampahan na rin ng kasong grave misconduct

Sinampahan na rin ng kasong grave misconduct ang police officer na bumaril sa isang matandang babae sa Quezon City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, tatagal ng tatlong linggo hanggang isang buwan ang imbestigasyon sa pagsasampa ng kasong administratibo.

Habang sabi pa ni Eleazar, base kay Atty. Alfegar Triambulo, Inspector General ng PNP Internal Affairs Service, hindi pa opisyal na matatanggal sa serbisyo si Police Master Sargeant Hensie Zinampan dahil kailangang pa ng due process.


Si Zinampan ay una nang nag-viral sa social media matapos kumalat ang video nito nang barilin ang 52-anyos na lola na kinilalang si Lilibeth Valdez sa Quezon City noong Lunes ng gabi.

Facebook Comments