Pulis na infected ng COVID-19, nadagdagan ng 40

25

Umabot na sa 6,030 ang bilang ng mga pulis na naging positibo sa COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service kahapon, may nadagdag na 40 pulis na infected ng COVID-19.

Pinakamaraming naitala ay sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP-Cordillera na tig-walong kaso, habang anim sa National Operation Support Unit, lima sa National Administrative Support Unit, apat sa PNP Region 3, tatlo sa PNP Region 10, dalawa sa PNP Region 9 at tig-iisa sa PNP Region 1, PNP Region 4A, PNP Region 5 at PNP Bangsamoro Autonomous Region.

Good news naman dahil nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumaling na, ito ay nadagdagan ng 59 kaya umabot na sa kabuuang 4,843 ang recoveries sa PNP.

Wala nang nadagdag na pulis na namatay sa COVID -19 na umaabot na sa 17.

Facebook Comments