Pulis na infected sa COVID-19, nadagdagan pa ng 70 

Umabot na sa 5,462 ang bilang ng mga pulis na naging positibo sa COVID-19. 

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service, may nadagdag na 70 bagong kaso kahapon kung saan pinakamaraming naitala ang Police Regional Office (PRO) 1 na may 25 COVID cases. 

Habang 20 ang naitalang bagong kaso sa National Capital Region Police Office (NCRPO), siyam sa PRO-6, pito sa PRO-4A  tatlo sa PRO-3 at tig-isa ang may nag-positive sa PRO-7, PRO-8, PRO-9, PRO-10 at PRO-12. 


Good news naman dahil nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumaling na. Ito ay nadagdagan ng 80 kaya umabot na sa kabuuang 4,125 ang recoveries sa PNP, habangnananatili naman sa 17 ang bilang ng mga nasawi. 

Patuloy naman ang mga ginagawang paraan ng PNP para maprotektahan ang kanilang hanay na maging infected ng COVID-19 sa harap na rin ng patuloy na pagtulong sa pagpapatupad ng quarantine protocols. 

Facebook Comments