Pulis na itinuturong suspek sa pagpatay sa ABC President, nasa AWOL status na

Inilagay na sa AWOL status ang pulis na suspek sa pagpatay kay Bulacan ABC President Ramilito Capistrano.

Bukod sa kinakaharap na kasong 2 counts of murder ni Police Staff Sergeant Ulysses Hernani Castro Pascual matapos masawi rin ang driver ni Capistrano sa pananambang nitong October 3, inihahanda na rin ng Philippine National Police (PNP) ang kasong insubordination laban sa kaniya.

Ayon kay PNP – Public Information Office (PIO) chief Brigadier General Jean Fajardo, ito ay makaraang suwayin niya ang utos na maisasailalim siya sa restrictive custody at tumakas sa Kampo Krame.


Pinare-revoke na rin ang lisensiya ng kanyang mga baril matapos mapag-alaman na maraming baril na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Facebook Comments