Pulis na may kasong hindi pag-suporta sa pamilya na pinasisibak sa serbisyo ng PNP IAS, hindi inaprubahan ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Hindi inaprubahan ni PNP chief Ronald Dela Rosa ang pag sibak sa serbisyo sa tatlong pulis na may mga kasong hindi pagsuporta sa kanilang pamilya.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo hindi raw makatarungan para kay PNP chief kung agad na sisibakin ang mga ito dahil sa ganitong kaso.

Magkagayunpaman hindi pa rin sila ligtas dahil mapapatawan pa rin sila nang kaukulang parusa
Isang pulis rin na inirekomendang masibak sa serbisyo ang hindi inaprobahan ni PNP Chief ito ay dahil nadamay o napressure lamang ito sa away lupa sa Tanay Rizal.


Kaya naman sa halip 86 na police officers ang dapat masibak sa serbisyo 82 na lamang tuluyang inaprobahan ng PNP Chief para tuluyang mawala sa hanay PNP.

Kasama na rito sina Supt. Lito Cabamogan ang pulis na nahuli aktong gumagamit ng iligal na droga at Supt. Maria Christina Nobleza na kasabwat umano ng mga terorista Abu Sayyaf.

Bibigyan ng 10 araw ang mga sinibak sa serbisyo para maghain ng kanilang mosyon sa NAPOLCOM.

Kung hindi nila mako comply ang 10 araw na palugit tuluyan na silang mawawala sa listahan ng PNP.

Tiniyak naman ni Triambulo na may mga susunod pang masisibak sa PNP dahil sa ibat ibang mabibigat na kaso.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments