Pulis na nag-viral dahil sa pagpapa -“bring me challenge” ng mga unregistered firearms at drug users, pinagpapaliwanag ng PNP

Sa direktiba ni Philippine National Police Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinagpapaliwanag nito ang pulis na nagpa -“Bring Me Challenge” sa Cebu.

Ito ay matapos ipinost ng nasabing pulis ang video nito sa kanyang personal social media account kung saan nagpapa”bring me” ito ng mga unregistered firearms at drug users.

Kaugnay nito, ay agarang ipinapa-takedown ng ahensya ang video sa online platform at na-preserve na ito ng Anti-Cybercrime Group para sa gagawing imbestigasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Randulf Tuaño, personal na inisyatibo ito ng nasabing viral na pulis at ang perang ginamit nito ay mismong sa kanya galing.

Dagdag pa ni Tuaño, ito ay malinaw na paglabag sa Police Operational Procedure ng PNP.

Sa ngayon, inilagay na ang nasabing viral na pulis sa administrative relief.

Facebook Comments