Pulis na ‘tulak ng droga’, arestado sa Pampanga

3181
Courtesy Jimjim Hipolito

PAMPANGA – Inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Mabalacat City Police nitong Linggo ang kapwa-pulis na sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Kinilala ang suspek na si Police Corporal Francisco Ganao, 47 anyos, residente ng Sapang Biabas dito.


Dakong alas-2 ng madaling araw nang damputin ng mga operatiba si Ganao matapos umanong bentahan ng shabu na aabot sa halagang P84,000 ang kabarrong nagpanggap na buyer.

Napag-alamang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang akusado, na naka-destino sa clearance division ng Highway Patrol Group sa Camp Crame, Quezon City.

Narekober kay Ganao ang mark money, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, at isang hindi rehistradong baril.

Labis naman ang pagsisisi ng suspek na humihingi ng ikalawang pagkakataon para magbagong buhay.

Kinasuhan ang parak ng paglabag sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms.




Facebook Comments