Pulis na nagpaputok ng baril sa Malabon, nadisarmahan na – PNP

Under restrictive custody na ng Philippine National Police (PNP) ang isang tauhan nito matapos magpaputok ng baril sa Malabon City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief, PCol. Jean Fajardo, kabilang ang naturang pulis sa 6 na naitala nilang kaso ng illegal discharge of firearms ngayong holiday season.

Nabatid na accidental firing ang nangyari sa pulis subalit bilang bahagi ng protocol ay inilagay pa rin siya sa restrictive custody at nadisarmahan na rin ito.


Dahil dito, 2 na ang pulis na naitalang iligal na nagpaputok ng baril kasama ang 2 sundalo at 2 inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Kasunod nito, patuloy ang paalala ng PNP sa mga gun owners na maging responsable sa paggamit ng baril at huwag itong gamitin lalo na sa pagsalubong sa bagong taon.

Facebook Comments