Umabot na sa 74 na mga pulis ang nagpositibo sa Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa, aniya dalawang pulis ang nadagdag na positibo sa virus kaya umaabot na sa kabuuang 74 ang COVID-19 positive.
723 na mga PNP personnel naman ay suspected at probable cases ng COVID-19 pero 12 na ang gumaling na pulis matapos na magpositive sa COVID -19.
Nanatili naman sa tatlong pulis ang namatay dahil sa COVID-19.
Samantala, nakalikom na ang PNP ng kabuuang 136.7 milyong piso para sa kanilang PNP Bayanihan Fund Challenge kung saan bolutaryong magbibigay magdo donate ng kahit magkano ang bawat miyembro ng PNP.
Target nilang makalikom ng 200 milyong piso para pantulong sa mga poorest of the poor.