Pulis na Nakabaril sa isang menor  de edad sa Caloocan, Kinasuhan na

Kinasuhan na ng murder at attempted murder ang Pulis Caloocan na nakabaril at nakapatay sa isang anim na taong gulang na batang lalaki.

Sumailalim na sa inquest proceeding si Corporal Rocky Delos Reyes dahil sa pagpatay kay Si Gian Habal at tangkang pagpatay sa lola nito.

Abril 28 nang mabaril ni Delos Reyes si Habal sa labas ng kanilang bahay sa camarin.


Ayon kay Caloocan City Police Chief, Col. Restituto Arcangel, kakasuhan sana ng homicide ang pulis pero itinaas ito sa murder dahil binaril ang paslit sa noo nang malapitan.

Wala aniyang ebidensya na nagkaroon ng shootout sa pagitan ni Delos Reyes at ng isang Joevannie Mosquito na umano’y wanted drug suspect.

Nabatid na nahaharap din ang suspek na pulis sa administrative case dahil sa pagpapaputok ng baril sa isang birthday party noong isang taon at pag-inom ng alak habang naka-duty.

Facebook Comments