Pulis na nakapatay ng mag-ina sa Tarlac, dapat mabulok sa bilangguan

Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, na dapat mabulok sa bilangguan si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na malapitang bumaril at nakapatay ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Lacson, base sa nagviral na video ng insidente ay hindi dapat magpakita ng awa ang liderato ng Philippine National Police (PNP) kay Nuezca.

Diin ni Lacson, ang mga katulad ni Nuezca ay hindi kailangang maging bahagi ng Pambansang Pulisya.


Sinabi ni Lacson, na dapat pairalin ng PNP ang motto nito na “To Serve and Protect” at kasama dyan ang pagbibigay proteksyon sa mamamayan mula sa tiwali at masasamang pulis.

Inirekomenda rin ni Lacson na maging bahagi ng polisiya na kapag hindi naka-duty ang pulis ay dapat ilagak nito ang baril sa armorer o supply officer ng kanilang unit at hindi rin ito dapat isyuhan ng Permits to Carry Firearms Outside Residence.

Facebook Comments