Pulis na nakatalaga bilang mobile patroller ng Makati City Police Station inaresto ng PNP IMEG dahil sa pangongotong

Isang pulis naman ang inaresto sa Makati City dahil sa pangongotong.

 

Kinilala ang naarestong pulis na si Patrolman John Lagao Felix nakatalaga bilang mobile patroller  sa station 2 ng Makati City Police Station.

 

Kasama rin nitong naaresto ang isang traffic enforcer na kinilalang si Jason Parcon.


 

Inaresto sila ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o PNP IMEG matapos ang kanilang ikinasang entrapment operation sa Palm Avenue Makati City kaninang pasado alas singko ng madaling araw.

 

Bago ito ay nakatanggap ng reklamo ang PNP CITF mula sa truck operator na si Silverio Samson kung saan araw araw hinihingian ng mga suspek ng 100 piso ang lahat ng truck na dadaan bago makapasok sa Dasmarinas Village.

 

Ito ay kahit na may permit ang truck operator para makapasok sa Dasmarinas Village.

 

Sa ngayon sasampahan na ng kaso ang dalawa habang nasa custody ng PNP IMEG sa Camp Crame.

 

Facebook Comments