Pulis na nakatalaga sa Davao, nagpositibo sa drug test

Isang pulis mula sa Regional Police Security and Protection Unit 11 ng Davao ang dinisarmahan at ngayon ay nahaharap na sa dismissal makaraang magpositibo sa drug test.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang pulis na si Police Corporal Donree Gall Adug.

Sasailalim siya sa pre-charge evaluation investigation at summary hearing procedure.


Sa isinagawang drug test, 41 na tauhan ng Regional Police Security and Protection Unit 11 sa Camp Domingo Leonor ang sumalang at 1 lang ang nagpositibo.

Iginiit naman ni Eleazar na walang lugar sa PNP ang drug addict at drug users.

Facebook Comments