Pulis na Nakatalaga sa PNP Cordon, Timbog sa Drug buy-bust Operation

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang pulis at kasama nito matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Santiago City Police Office at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) kahapon, Setyembre 29, 2021 sa Brgy. Calaocan, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si PMSgt. Roel Gacutan, 38-anyos, may asawa at residente ng Brgy. 2, Jones, Isabela at Kaime Grivaljo, 37-anyos, may asawa, aluminum glass contractor/installer at residente ng Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang pakete ng shabu na tumitimbang ng 2 grams at nagkakahalagang P13,600; isang unit ng Taurus PT 92AF cal. 9mm,at dalawang piraso ng bala ng baril at mga drug paraphernalia maging ang sasakyan at pera na nagkakahalaga ng P58,000.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, hepe ng Cordon Police station, isang buwan pa lang na nakatalaga sa himpilan ng PNP Cordon si Gacutan bilang Field Training Officer o naghahawak ng mga Police Recruit.

Nagkaroon umano ng haka-haka na mayroong ginawang iligal na aktibidad ang nasabing pulis kaya’t minanmanan nila ang bawat kilos nito hanggang sa nahuli na nga dahil sa iligal na droga.

Ayon pa kay Mallillin, itinanggi umano ni Gacutan ang pagkakadawit nito sa iligal na bentahan ng droga.

Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 habang kahaharapin din ng pulis ang kasong RA 10591.

Facebook Comments