Pulis na nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group, arestado sa buy-bust operation sa Maynila

Arestado ang isang aktibong pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 312, Sta. Cruz, Maynila, kagabi.

Kinilala ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 36-anyos na suspek na si PSSG. Ed Dyson Banaag ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) at residente ng Brgy. San Isidro sa Pasay City.

Narekober ng operatiba kay Banaag ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,000 at kinumpiska rin ang kaniyang service firearm.


Bago naaresto ang suspek, nakipaghabulan pa ito sa mga awtoridad pero sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kaya nasakote.

Nabatid na dating nakadestino ang suspek sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG bago napunta sa PDEG.

Facebook Comments