Pulis na nakatalaga sa SLEX traffic Vehicular Sub Office sa Parañaque City, naaresto dahil sa robbery-extortion

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang police officer matapos ang ikinasang entrapment operation sa Brgy. San Martin De Porres, Parañaque City.

Ayon kay Police Col. Thomas Frias Jr., ang naarestong police officer ay si Police Staff Sergeant Marlon De Dios Salim na inirereklamo ng robbery extortion ng isang complainant na nasangkot sa vehicular accident.

Sa imbestigasyon, nag-demand ng P15,000 ang suspek na pulis sa complainant hanggang sa naging P5,000 para maging abswelto sa kinasangkutang vehicular accident at pag-release ng kanyang sasakyang van.


Ikinasa ang entrapment operation at nahuli ang suspek na pulis habang inaabot ang P5,000 sa complainant sa Skyway North Bound, Brgy. San Martin De Porres, Parañaque City.

Sa ngayon, nahaharap na ang nahuling pulis sa kasong kriminal.

Facebook Comments