Pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac, nasangkot na sa iba’t ibang mga kaso

Photo Courtesy: Data from PRO III chief Police Brig. Gen. Val De Leon

Nasangkot na sa maraming kaso ang pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac kahapon, ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas.

Sa kanilang record dalawang beses na nakasuhan ng homicide noong May 2019 at December 2019 si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca pero parehong nabasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Bukod dito, sinabi ni Sinas na nagkaroon na rin ito ng non-appearance in duty noong 2016 na nabasura.


Less grave misconduct noong 2013 na drop and closed at less grave misconduct noong 2014 na dahilan nang kaniyang 30 araw na suspensyon.

Ayon kay PNP Chief, nagagalit siya makaraang mapanood ang video kaya agad niya na ring ipinag-utos ang pagsasampa ng kasong administratibo na hahantong sa pagkakasibak sa serbisyo ng pulis.

Nakipagpulong na rin sila sa psychiatrist at sinabing pag-aaralan ang pagkakaroon ng anger management refresher course ang mga pulis upang maipaalala sa mga pulis ang maximum tolerance.

Facebook Comments