Pulis na namatay sa COVID-19, nadagdagan pa

30

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay na tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19.

Sa ulat ni PNP deputy chief for administration Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang bagong nasawi dahil sa COVID-19 ay ang isang 40 anyos na lalaking police non-commissioned officer (PNCO) na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO).


Kaya naman umabot na sa 47 ang mga binawian ng buhay sa hanay ng pulisya.

Nakapagtala naman ng 288 na bagong kaso ng COVID-19 kayat umakyat na sa 17,917 ang mga naging infected ng virus.

Habang 15,389 ang mga nakaligtas sa sakit makaraang madagdagan ng 197 na bagong gumaling.

Nananatiling mataas naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP na umabot na sa 2,481.



Facebook Comments