Pulis na nambugbog at nanutok daw ng baril sa sibilyan, kinasuhan na

Cagayan De Oro City – Sinampahan na ng kasong administratibo ang pulis na umano’y nambugbog at nanutok ng armas laban sa isang sibilyang ng Barangay Gusa sa Cagayan De Oro City.

Binawian ng service firearms at nilagay sa floating status ang pulis na si PO3 Zosimo Haclad Jale matapos na magpositibo ito sa paraffin test na isinagawa ng PNP Crime Laboratory.

Unang nadestino si PO3 Jale sa City Public Safety Company.


Matatandaang isang Alex Magdayag ang humingi ng tulong sa Agora Police Station matapos siyang bugbugin at paputukan ng apat na beses ni Jale noon Setyembre 23 ng gabi.

Facebook Comments