Pulis na nanaksak sa kapwa pulis sa loob ng Kampo Krame, kinasuhan na ng frustrated murder bukod pa sa mga kriminal at administratibong kaso

Patung-patong ang mga kasong kinahaharap ngayon ng pulis na nanaksak sa kapwa pulis sa loob ng Kampo Krame kaninang umaga.

Matatandaan na naghahanda sana ang mga nasabing pulis para sa isang naka-iskedyul na preliminary investigation kaugnay ng umano’y pagnanakaw ng humigit-kumulang ₱13 milyon mula sa isang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) raid sa Bataan.

Dahil sa insidente, bukod sa mga umiiral na administratibo at kriminal na kaso kaugnay ng naunang imbestigasyon, nahaharap na ngayon ang nanaksak na pulis sa kasong frustrated murder dahil sa ginawa nito.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Spokesperson Helen Dela Cruz, patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang motibo sa likod ng krimen.

Dagdag pa niya, stable na ang kondisyon ng pulis na nasaksak, habang ang suspek ay nananatiling nasa kustodiya ng CIDG para sa karagdagang proseso.

Facebook Comments