Pulis na nawala sa pagtaob ng speedboat sa Antique, patuloy na pinaghahanap ng PCG

Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG)-Antique sa nawawalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos na tumaob ang sinasakyan nilang speedboat sa karagatan ng Caluya, Antique.

Kinilala ang nawawalang pulis na si Police Corporal John Mark Alejandro.

Nasa maayos naman nang kalagayan ang mga kasama nitong sina Patrolman Allan Sabano, Staff Sgt. Albert Francisco at dalawang miyembro ng PCG na sina Petty Officer 3rd Class Kim Dayalo at Seaman 2nd Class Jerald Ligan.


Ayon kay Commander Perlita Cinco, Station Commander ng PCG-Antique, aminado siya na medyo nahihirapan sila dahil sa sobrang lalim ng tubig kung saan tumaob ang speedboat.

Mula Poblacion Caluya, patungo sana sila sa Sibolo Island at Sitio Liwagao sa Barangay Sibato Island Coastal para eskortan ang mga mamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) nang hampasin ng malakas na alon ang kanilang speedboat.

Facebook Comments