
Sa kabila nang paghingi ng paumanhin ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sidewalk clearing operations head na si Gabriel Go, nagtungo kanina sa Quezon City Prosecutor’s Office si Captain Eric Felipe ng Quezon City Police District o QCPD.
Si Police Captain Felipe ang pulis na umano’y napahiya sa vlog ng clearing operations sa Anonas Police Station kamakailan.
Kasong cyber libel ang isinampa laban sa vlogger na si Dada Koo at kay Gabriel Go.
Ayon kay Felipe, nilabag nina Ko at Go ang Data Privacy Act dahil sa pagpapakita sa mukha niya habang pinangangaralan at nagresulta para pagpiyestahan sa social media.
Facebook Comments