Umabot na sa 77 mga pulis ang positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 .
Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig General Bernard Banac.
Aniya ngayong araw tatlong pulis ang nadadagdag sa mga positive sa virus kaya umaabot na ito sa 77.
670 naman ng mga PNP personnel ay suspected at probable cases ng COVID-19 pero 12 na ang gumaling na pulis matapos na magpositive sa COVID -19.
Ang 77 pulis na COVID positive ay nanatili ngayon sa quarantine facility, hospital at naka- home quarantine.
Tatlo pa rin ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID 19.
Facebook Comments