Pulis na positibo sa COVID-19, dumami pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, umabot na ngayon sa 105 ang pulis na infected ng COVID-19.

Aniya, pitong pulis ang nadagdag sa mga positibo, ang mga ito ay isang 45 anyos na taga Cavite, 31 anyos na taga Rizal, 48 anyos na taga Demang Sagada, 27 anyos na taga Quezon City, 43 anyos na taga Iloilo, 35 anyos na taga Laguna at 29 anyos na taga Laguna rin.


Sinabi naman ni PNP Health Service Director, Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr. na 17 pulis ang gumaling na sa sakit.

Pero may 370 PNP personnel ang Probable Persons Under Investigation at 374 personnel Suspected Persons Under Investigation.

Inaasahan naman ni Gamboa ang Full operation ng PNP COVID-19 Testing Center para ma- COVID test na ang mga PNP personnel na may sintomas.

Facebook Comments