Pulis na positibo sa COVID-19, nadagdagan pa ng 4

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac na nadagdagan pa ng apat ang mga pulis na nagpositibo sa COVID- 19.

Dahil dito umaabot na sa kabuuang 59 na mga pulis ang positibo sa COVID-19 habang walong pulis na positive sa virus ang nakarekober na sa sakit.

512 naman na mga PNP personnel ay suspected persons under investigation (PUIs) at 61 pulis ay probable persons under investigation (PUIs) dahil pa rin sa COVID-19.


Naka-home quarantine naman ngayon ang 14 na pulis at 34 ay naka admit sa ospital.

Nanatili naman sa tatlo ang pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments