Pulis na positibo sa COVID-19, sumampa na sa 96

Umabot na sa 96 na mga pulis ang positibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ngayong araw nadagdagan ng tatlo ang mga pulis na positive sa virus kaya umabot na ito sa 96.

Nanatili naman aniya sa 12 pulis ang gumaling na sa COVID-19 habang 3 ang namatay na.


Sa kabila naman ng pagtaas ng bilang ng mga pulis na infected ng virus tiniyak ni PNP Chief na magpapatuloy ang pagde-deploy ng mga pulis sa mga Enhanced Community Quarantine (ECQ) duties.

Pero panawagan pa rin ni PNP Chief sa publiko na patuloy na sumunod sa ipinatutupad na quarantine protocols para hindi masayang ang pagod at pagbubuwis ng buhay ng mga frontliners ngayong may banta pa rin ang COVID-19.

Facebook Comments