Umakyat na sa 22 pulis ang positibo sa COVID-19.
Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, aniya, tatlong pulis ang nadagdag na positibo sa virus.
Ang tatlong pulis na positibo ay ang dalawang 44 anyos na lalaki pulis at isang 34 anyos na parehong mga nakatalaga sa Metro Manila.
Dalawang pulis naman na positive sa COVID-19 ang gumaling na sa sakit.
Una nang inanunsyo ng PNP na dalawang pulis na nila ang namamatay dahil sa nakakamatay na virus.
Batay naman sa ulat ng PNP Health Service, 242 na ang mga pulis na persons under investigation (PUIs) at 1,384 naman ay mga persons under monitoring (PUMs).
40 PNP personnel naman na kasama sa PUI ay naka-quarantine ngayon sa PNP COVID-19 Patient Care Center o sa Kiangan Billeting Center sa Camp Crame.