Nadagdagan pa ang mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Health Service Director Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr., ngayong araw (May 16) panibagong 17 pulis ang naitalang infected ng virus.
Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 231 na mga pulis ang positive sa COVID-19.
Ang 17 mga pulis na kasama sa mga nagpositibosa virus ay mula sa Rizal, Pasig City, Baguio City, Caloocan City, Mandaluyong City, Taguig City, Parañaque City, Manila, Las Piñas, Caloocan City, at Quezon City.
116 na mga positibong pulis naman ay ginagamot ngayon sa mga quarantine facilities, pito ang naka admit sa ospital at 35 ay naka home quarantine.
67 naman sa 231 na pulis na positive ay gumaling habang nanatili sa apat ang nasawing pulis dahil sa COVID-19.
Samantala, 687 police personnel ay Probable Persons Under Investigation (Probable PUIs) at 536 police personnel ay Suspected Persons Under Investigation (Suspected PUIs).