Pulis na positibo sa COVID-19, umabot na sa 55

Nadagdagan pa ng lima ang mga pulis na positibo sa COVID-19 kaya naman sa kabuuan umaabot na sa 55 ang mga pulis na positive sa virus.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, batay na rin sa ulat ng PNP Health Service.

Aniya, ang panibagong limang pulis na nagpositve sa COVID-19 ay ang 43 anyos at 36 anyos na pulis na nakatalaga sa Laguna PNP, 29 anyos na pulis na nakalataga sa Muntinlupa City, 29 anyos rin na nakatalaga sa Taguig City at 50 anyos na lalaking pulis na nakatalaga sa lalawigan ng Bulacan.


Sinabi naman ni PNP Health Service Director Brig Gen Herminio Tadeo Jr. na 105 PNP personnel na ang probable persons under investigation (PUIs) at 456 ang PNP personnel ay mga suspected persons under investigation (PUIs).

Walo namang pulis na may COVID -19 ang nakarekober na.

Facebook Comments