Pulis na positibo sa COVID-19, umabot na sa 67

Umabot na sa 67 mga pulis ang positibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac, batay na rin sa ulat ng PNP Health Service.

Aniya, dalawang pulis ang panibagong nadagdag sa mga nagpositive sa virus.


Ito ay ang isang 38 anyos na policewowan at residente ng Lungsod ng Maynila habang ang isa ay 54 anyos na lalaking pulis na mula sa Quezon City.

74 na PNP personnel naman ay Probable Persons Under Investigation at 596 na PNP Personnel ay Suspected Persons Under Investigation.

Nanatili naman sa 8 ang nakarekober na pulis sa COVID-19 at 3 ang namamatay.

Facebook Comments