Nadagdagan pa ang mga pulis na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, umaabot na sa kabuuang 801 ang mga pulis na infected ng COVID-19.
Pero sa bilang ng mga positibo, 386 ay gumaling na sa sakit.
Ayon kay PNP Chief Police Geneal Archie Gamboa, pinakamaraming pulis na naitalang nagkasakit ng COVID-19 ay sa Cebu na umaabot sa mahigit 200.
Kaya kahapon nang tumungo siya sa Cebu para sa Regional Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ay pinamamadali nya na ang pagtatayo ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) para agad magamit ng mga pulis.
Samantala, 653 na pulis naman ngayon ang naitalang probable cases ng COVID-19 habang 1,241 ay suspect cases ng COVID-19.