Pulis na positibo sa COVID-19, umabot na sa mahigit 1,600

56

Patuloy na nadaragdagan ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na infected ng COVID-19.

Sa huling datos ng PNP, umabot na sa 1,643 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit matapos makapagtala ng panibagong 43 pulis na positive sa virus.

Pero tumataas din ang bilang ng mga pulis na gumaling sa sakit na umabot na sa 612 habang nananatili sa 9 ang mga nasawi.


Sa ngayon, nasa 725 pulis ang ikinokonsiderang probable cases at 1,789 pulis ang suspected cases.

Facebook Comments