Pito na ang pulis na nag-positibo sa Coronavirus disease o COVID-19, Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac.
Aniya hanggang kahapon (March 30) apat na mga pulis ang nadagdag sa mga nagpositibo sa COVID-19, ang mga to ay nakatalaga sa Metro Manila.
Tatlong lalaking pulis ang mga ito na may mga edad 53 anyos, 52 anyos at 46 anyos at isang babaeng pulis na 47 anyos na ngayon ay patuloy na ginagamot.
Kaugnay nito bumuo na rin ang PNP ng National Headquarters Medical Reserve Force na susuporta naman sa COVID 19 Operation Task Force.
Ang NHQ Medical Reserve Force ay binubuo ng mga pulis na nagtapos ng medical related course na umaabot sa 257.
Sila ngayon ay tumutulong sa PNP Health Service maging sa PNP General Hospital para gamutin at obserbahan ang mga pulis na PUI at PUM.