Sumampa na sa 89 ang mga pulis na positibo sa Coronavirus disease (COVID-19).
Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) Health Service Director, Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr.
13 mga pulis naman ang gumaling na sa virus habang nanatili sa tatlong pulis ang namatay dahil COVID -19.
Ayon pa kay Tadeo, 559 PNP personnel ang suspected at 199 ang probable cases ng COVID-19.
Sa kabila naman ng pagtaas ng bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sinabi ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac na tuloy ang mahigpit nilang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Giit ni Banac kailangang striktong maipatupad ang mga quarantine protocols para malabanan ang pagkalat pa ng COVID 19.
Kinakailang aniya nila ang kooperasyon ng lahat partikular ang pagsunod sa mga batas ngayong nasa national health emergency ang bansa.