Pulis na prime suspect sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon, pinakawalan na muna ng Senado

Pinakawalan ng Senado ang prime suspect sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon na si dismissed Police Major Allan de Castro.

Matatandaang nitong Martes ay pina-cite in contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si De Castro matapos na magsinungaling at itanggi na may relasyon sila ng nawawalang beauty queen.

Ayon kay Committee Chairman Ronald “Bato” dela Rosa, pinakawalan niya si De Castro dahil naka-session break ang Senado ng isang buwan.


Bukod dito, kawawa aniya ang mga taong maiiwan na magbabantay kay De Castro lalo’t sa susunod na linggo ay Holy Week na.

Kapag naman nagkaroon ng pagdinig ulit ay ipapatawag niya ulit si De Castro.

Nauna na rito ay nagpaalam muna ito kay Senator Robin Padilla na siyang nagmosyon na i-cite in contempt at arestuhin si De Castro, at pumayag naman si Padilla na pakawalan muna ang pulis.

Facebook Comments