Pulis na pumatay sa mag-iina sa Tarlac, may ‘topak’ ayon kay Pangulong Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na tiyaking matatanggap ang karapat-dapat na parusa kay Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” sinabi ng Pangulo na may sakit sa utak si Nuezca.

Pagtataka pa ng Pangulo kung bakit nakalusot si Nuezca sa neuro-psychiatric examination.


Para sa Pangulo, napaka-brutal ng ginawa ni Nuezca.

Iginiit ng Pangulo na hindi maaaring makatakas sa hustisya si Nuezca at nararapat lamang na mabulok sa kulungan at dapuan pa ng COVID-19.

Nagpaalala rin ang Pangulo sa mga pulis na gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin at naaayon sa batas.

Matatandaang sa records ng PNP na sa 10 taong serbisyo ni Nuezca, nahaharap siya sa anim na kaso na kinabibilangan ng grave misconduct, serious neglect of duty, refusal to undergo a drug test, administrative case at suspension.

Mayroon din siyang dalawang homicide cases noong 2019 na na-dismiss dahil sa kawalan ng substantial evidence.

Facebook Comments