Pulis na Rumesponde sa Kaguluhan, Ligtas Matapos Barilin

149

*Cauayan City, Isabela*- Nakaligtas ang isang pulis matapos barilin ng lasing na magsasaka matapos rumesponde sa isang Videoke Bar bandang 1:30 kaninang madaling araw sa Brgy. San Pedro, Mallig, Isabela.

Kinilala ang biktima na si PSSg. Marlon Biraquit habang nakilala ang sugatang suspek na si Wilfredo Feliciano, 37 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bimonton sa nasabing bayan.


Sa panayam ng Ifm Cauayan kay PMAJ. Loreto Infante, Hepe ng PNP Mallig, lumabas sa imbestigasyon na nakatanggap ang mga otoridad ng impormasyon na isang customer ang armado ng baril kaya’t agad na rumesponde ang mga kapulisan sa lugar.

Ayon pa kay PMAJ. Infante, nilapitan pa ng isa sa mga miyembro ng kapulisan ang suspek pero agad itong kinuwelyuhan at itinutok sa bewang ng rumespondeng pulis at pinutok ang baril at maswerte namang di natamaan ang biktima habang gumanti naman ng putok ang biktima at tinamaan ang suspek sa tiyan at pwet.

 

Narekober naman ng pulisya ang baril na kalibre 45 na ginamit ng suspek nang mangyari ang insidente.

 

Inihahanda na ang kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Frustrated Murder at Resistant Disobedience to a Law Officer laban sa suspek na kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan.

Facebook Comments

From Advertisers