Pulis na tinambangan sa QC, kinilala na

163

Kinilala na ang pulis na tinambangan sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City.

Siya ay si PLt. Samad Baharan, 53-anyos na nakatalaga sa Police Community Affairs and Development sa Kampo Krame.

Nangyari ang pamamaril sa pulis dakong 9:15 ng umaga.

Binabaybay ng pulis na sakay ng kulay puti na motorsiklo ang Tandang Sora Avenue sa Brgy. Culiat nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaking magkaangkas sa motor.

Magpapagasolina lang sana ang pulis nang barilin.

Ayon sa anak ng biktima, ilang araw na ang nakararaan ay may nakasagutan ang kaniyang ama dahil sa tubo ng tubig.

Facebook Comments