Pulis na tinanggal sa pagpapahinto ng trapiko dahil sa VIP, nakabalik na sa pwesto

Ibinalik na sa pwesto si Police Executive Master Sergeant Verdo Pantollano, ang pulis na nasibak dahil sa viral video na pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue.

Ito ang kinumpirma ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU).

Ayon sa QC-LGU, noong October 10 pa naibalik ito sa pwesto isang araw matapos na hilingin ito ni QC Mayor Joy Belmonte.


Una nang ipinaliwang ni Mayor Belmonte na ang nag-utos dapat sa pulis na ipahinto ang trapiko sa Commonwealth ang dapat imbestigahan at hindi si PEMS Pantollano na sumunod lang sa utos at ginagawa ang kanyang trabaho.

Nauna rito, sinabi acting Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na normal lang ang pagbibigay ng kortesiya sa VIPs sa mga pampublikong kalsada lalo sa presidente, bise presidente, at foreign dignitaries na bumibisita sa bansa.

Facebook Comments