Sinibak sa pwesto ang pulis na nagmamaneho ng PNP van at tumakas sa mga tauhan ng DOTr na pumara dito sa EDSA busway.
Matatandaan kahapon nang parahin nila ang marked vehicle ng PNP sa EDSA busway sa bahagi ng Ortigas northbound subalit sa halip na huminto ay nagpatuloy ito sa pagtakbo.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nagsagawa na sila ng sariling imbestigasyon at nabatid na liaison officer ng PNP region 10 ang driver.
Ani Fajardo maaaring maharap sa kasong administratibo ang pulis dahil sa iligal na pagdaan sa EDSA busway.
Kasunod nito, tiniyak ni Fajardo na pahaharapin nila kung sakaling ipatawag ang pulis ng DOTr.
Facebook Comments