Pulis na umano’y nangongotong at nambabastos sa mga motorista sa may checkpoint sa Andrew’s Avenue sa Pasay City, pinaiimbestigahan na

May direktiba na si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Southern Police District na imbestigahan ang reklamo kaugnay sa isang pulis na umano’y nangongotong at nambabastos sa mga motoristang dumadaan sa checkpoint sa may Andrews Avenue sa Pasay City.

Ayon kay PNP chief, nakarating sa kaniya ang reklamo sa pamamagitan ng social media at personal niyang napanood ang viral video.

Batay sa reklamo ng mga netizen sa social media na dumadaan sa Andrews Avenue sa Pasay City.


Pinahihinto raw ng pulis ang lahat ng motoristang dumadaan at binabalewa ang traffic signs at agad iniisyuhan ng violation tickets.

Pinagbabantaan pa raw ng pulis ang mga motorista na ipapakulong kapag hindi nirespeto ang police official.

Sinabi ni Eleazar, hindi sya magdadalawang isip na parusahan ang mga ganitong pulis na umaabuso sa kanilang kapangyarihan ngayong may COVID-19 pandemic.

Facebook Comments