Pulis, binaril ang sarili nang makatrabaho ang lalaking nanggahasa sa kanya

SOCHI, Russia – Nagpakamatay ang isang 23-anyos na pulis matapos umanong piliting makatrabaho ang isang kasamahan na inaakusahan niya ng panggagahasa.

Nagsimulang maging criminal investigator si Maria Klochkova noong Agosto hanggang maging isang opisyal na pulis.

Batay sa imbestigasyon, una nang isinumbong ng dalaga ang pambu-bully umano ng kanyang senior colleague hanggang sa mauwi sa panghahalay, simula nang magtrabaho siya bilang pulis.


Ayon sa kapatid ng biktima na kinilalang si Anna, hindi iniulat ni Maria ang pangyayari dahil sa takot umano nito na makasira ng career at sa kahihiyan na rin sa puwedeng mangyari kapag isinapubliko ang naturang krimen.

“She was raped by a detective. From that moment she thought she was a disgrace for our family, not the victim of an idiot,” aniya.

Alam daw ng senior officer ang naganap na panghahalay ngunit wala raw itong aksyong ginawa bagkus ay pinilit niya si Maria na muling makatrabaho ang suspek.

Dinepensa rin niya ang kapatid laban sa akusasyong mayroon itong problema sa pag-iisip dahil ang krimen umano ang nagtulak dito na kitilin ang sarili.

Hiling naman ng pamilya ni Maria na imbestigahan ang nangyari para makamit nila ang hinihinging hustisya para sa kanya.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

 

Facebook Comments