Hindi na kailangan pang bumaba ng bundok ang mga bata sa Brgy. Patungcaleo Quirino Ilocos Sur matapos ipatayo ng mga Pulis ng Regional Mobile Force Battalion 1 ang karagdagang silid-aralan sa ilalim ng programang “Kalusugan Alay ng Pulis Para sa iyong Anak” o K.A.P.P.I.A.
Sa pamamagitan ng “Run For Peace” , isang fun run na inorganisa ng Region Mobile Force Battalion 1 at iba pang fundraising activities na kabilang ang local government unit, nalikom ang pondo para sa pagpapatayo ng silid aralan sa loob ng isa at kalahating taon.
Nagsilbing inhinyero at karpentero ang mga pulis sa konstruksyon ng silid aralan noong buwan ng Mayo ngayong taon.
Sa loob ng limang buwan agad na natapos ang silid paaralan noong Oktubre at pormal na pinasinayaan ngayong Nobyembre.
Ang Barangay Patungcaleo sa Ilocos Sur ay isa mga dating naimpluwensyahan ng NPA.
###
Pulis ng RMFB1 nagtayo ng silid-aralan para sa mga batang nakatira sa bundok
Facebook Comments