Pulis, patay matapos masagasaan ng truck sa Parañaque

Manila, Philippines – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bagitong pulis matapos magulungan ng isang rumaragasang truck sa lungsod ng Parañaque.

Nagkalasog-lasog ang katawan at nadurog ang ulo ng biktima na si PO1 JC-Nel Eugenio, 24-anyos, sinasabing nakatalaga sa QCPD o Quezon City Police District habang nasa custody na ng pulisya ang driver ng truck na si Virgilio Obregon.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na binabagtas ng truck na may plakang WBO 792 ang kahabaan ng Eastern Service Road northbound lane sa Barangay San Martin De Porres nang bigla na lang sumingit sa linya ni Obregon si Eugenio na nagmamaneho ng motorsiklo na may plakang DP 3960.


Huli na rin nang apakan ni Obregon ang kanyang preno dahil pumalya ito kaya’t tuluyang nagulungan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kasong isasampa laban kay Obregon.
DZXL558

Facebook Comments