Pulis, Patay nang Makuryente sa Water Pump

829

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang miyembro ng pulisya matapos makuryente pasado 3:00 ng hapon kahapon sa kanilang bahay sa Brgy. Nanguilattan, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Mhanie Caliguiran, 31-anyos at kasalukuyang nakatalaga sa Nanguilattan Patrol Base ng 204th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion.


Ayon sa imbestigasyon ni PCpl. Marvin Taguinod, imbestigador sa kaso, lumalabas na katatapos lang ang oras ng trabaho ng biktima ng humingi ito ng permiso sa platoon commander para umuwi sa kanilang bahay upang ayusin ang nasirang water pump.

Habang nagkukumpuni ang biktma sa nasirang water pump ay aksidente itong nakuryente na dahilan ng kawalan ng malay.

Agad na isinugod ang biktima ng kanyang pamilya sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Facebook Comments