Pulis, patay sa pamamaril Sa Agusan Del Norte

Butuan, Philippines – Patay matapos nabarilin umano nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin angisang pulis sa Purok  3, Brgy. 9Cabadbaran City, Agusan del Norte, kahapon, Abril 16.
  Nakilala ang biktima na si PO3 Rodel Monteza, 36 anyos, residente ng  Brgy. Doña Rosario, Tubay Agusan del Norte.
  Alas 12:50pm nang barilin ang biktima habangnagmaneho sa kanyang single motor  sa  mismong sentro ng siyudad.
  Ayon sa mga taong malapit sa pinangyarihan ngkrimen, sunod-sunod na mga putok ng baril ang kanilang narinig.
  Sinasabing si PO3 Monteza ay nadestino saTubay Municipal Police Station at  nagpunta sa Public Market ng Cabadbaran City paramamili pero pinagbabaril ito ng riding in tandem.
 
   

Facebook Comments