Pulis patay sa pamamaril sa Laguna

Dean on the spot ang isang police officer matapos na pagbabarilin sa  Brgy. Longos,  Kalayaan,  Laguna kagabi.

 

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Senior Staff Sergeant Dante Anavieza 40 anyos residente ng Conchita Village,  Brgy Pinagsanjan,  Pagsanjan,  Laguna at intel operative ng Paete Municipal Police Station.

 

Sa ulat ng Laguna Police, alas 7:00 ng gabi kagabi habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima patungo sa Paete Municipal Police Station nang harangin ito ng nakamotorsiklo ring dalawang suspek at pinagbabaril.


 

Nagtamo ang biktima ng ilang tama ng bala na baril sa katawan dahilan ng kayang agad na pagkamatay.

 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagpatay sa kanilang kabaro.

Facebook Comments