Pulis, pinasisibak ni PNP Chief Nartatez matapos masangkot sa pagpaslang sa isang barangay kagawad at live-in partner nito sa Ilocos Norte

Pinasisibak na ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang isang police corporal na sangkot sa pamamaslang sa isang barangay kagawad at live-in partner nito sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat, kumakain lamang sa beranda ng kanilang tahanan ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Dahil dito, dead-on-the-spot ang barangay kagawad, habang naidala pa sa ospital ang babaeng ka-live-in nito ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Sa imbestigasyon ng San Nicolas Municipal Police Station, love triangle ang tinitingnang motibo sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang Internal Affairs Service ng PNP sa lokal na pulisya para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng reklamong administratibo at kriminal laban sa nasabing nahuling pulis.

Facebook Comments